Home NATIONWIDE Stroke, heart failure dahilan ng pagkasawi ng Santo Papa

Stroke, heart failure dahilan ng pagkasawi ng Santo Papa

VATICAN CITY — Pumanaw si Pope Francis sa edad na 88 noong Lunes ng umaga sanhi ng stroke at hindi na maagapan na heart failure, ayon kay Dr. Andrea Arcangeli ng Vatican.

Ayon sa ulat, siya ay na-coma bago bawian ng buhay.

Nakasaad din sa death certificate na may mga matinding karamdaman ang Santo Papa tulad ng impeksyon sa baga, bilateral pneumonia, multiple bronchiectasis, altapresyon, at diabetes.

Inaasahang ililipat ang kanyang labi sa St. Peter’s Basilica sa Miyerkules para sa publiko.

Ang iskedyul ng libing ay posibleng ianunsyo pagkatapos ng pagpupulong ng mga cardinal sa Martes. RNT