Home HOME BANNER STORY Airport fee hike inanunsyo ng CAAP

Airport fee hike inanunsyo ng CAAP

MANILA, Philippines – Simula Abril 21, 2025, mas mataas na ang terminal fee sa mga paliparan na pinamamahalaan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ang passenger service charge (PSC) para sa international flights ay tumaas mula ₱550 hanggang ₱900 o humigit-kumulang $17 kada pasahero.

Para naman sa mga domestic flights, ang PSC ay ₱350 sa mga international airports, ₱300 sa principal class 1 airports, ₱200 sa class 2, at ₱100 sa community airports.

Ayon sa CAAP, ang taas-singil ay batay sa inflation at layuning mapabuti ang pasilidad at karanasan ng mga pasahero.

Dumaan ito sa publikong konsultasyon at kinakailangang publikasyon. RNT