Home NATIONWIDE City of Malabon University binulabog ng bomb threat

City of Malabon University binulabog ng bomb threat

MALABON — Sinuspinde ng City of Malabon University (CMU) ang lahat ng klase sa hapon noong Abril 21, 2025 matapos makatanggap ng bomb threat sa email bandang alas-10 ng umaga.

Ayon sa pamunuan ng unibersidad, ang suspensyon ay bunga ng risk assessment na isinagawa kasama ng mga otoridad, na nagturing sa banta bilang seryoso.

Kasalukuyang isinasagawa ang imbestigasyon na kinabibilangan ng masusing pagsusuri ng buong kampus at digital forensic analysis.

Tiniyak ng CMU na patuloy ang pakikipagtulungan nito sa mga awtoridad at pinaigting ang mga hakbang sa seguridad. Inuuna pa rin ng unibersidad ang kaligtasan ng mga estudyante at kawani. RNT