Home NATIONWIDE Santa Maria Maggiore Basilica, huling hantungan ni Pope Francis

Santa Maria Maggiore Basilica, huling hantungan ni Pope Francis

ROMA — Si Pope Francis, na pumanaw sa edad na 88, ay piniling ilibing sa Santa Maria Maggiore basilica sa Roma, partikular sa Pauline Chapel. Siya ang kauna-unahang Santo Papa sa mahigit isang siglo na hindi inilibing sa St. Peter’s Basilica sa Vatican.

Ang basilica, na itinayo noong ikalimang siglo, ay isa sa apat na pangunahing basilica ng Papa sa Roma at kilala sa malalim na debosyon kay Birheng Maria. Madalas doon manalangin si Pope Francis bago at pagkatapos ng mga biyahe sa ibang bansa. Huling bumisita siya roon noong Abril 12, 2025.

Nakalibing din sa basilica ang pitong Santo Papa, kabilang si Clement IX noong 1669.

Matatagpuan din dito ang mahahalagang relikya ng Simbahan tulad ng mga piraso ng sabsaban ni Hesus at isang icon ni Maria na iniuugnay kay San Lucas. RNT