Home METRO 26 pasahero at crew, nasagip sa nasiraang passenger vessel

26 pasahero at crew, nasagip sa nasiraang passenger vessel

MANILA, Philippines – Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 26 pasahero at crew ng nasiraang passenger vessel sa baybayin malapit sa Larena Port, Siquijor nitong Hunyo 15.

Ang MV Apekop 2 ay naglalayag patungong Tagbilaran, Bohol nang makaranas ng fuel injection pump malfunction na naging dahilan kaya ma-stranded ito sa gitna ng karagatan.

Gamit ang BRP Cape San Agustin (MRRV-4408) ay nagsagawa ang PCG ng rescue operations.

Nang matiyak na ligtas na ang lahat ng mga pasahero at crew, hinila na rin ng rumespondeng Coast Guard team ang barko patungong Larena Port para sa kinakailangang repair. Jocelyn Tabangcura-Domenden