SAN GUILLERMO, Isabela – Tuluyan ng sinira ng pulisya ang halos mahigit 2,600 illegal na ibinibentang papuputok na nakumpiska dito sa ibat-ibang sa lalawigan ng Isabela.
Ayon kay PCol. Lee Allen Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, ang naturang aktibidad ay bunga ng kanilang Oplan Tambuli kung saan maraming mga illegal na paputok ang kanilang nakumpiska maliban sa mga firecracker vendors ang nag-surrender ng kanilang paninda.
Karamihan sa mga illegal firecracker ay ang Kwitis na may kabuuang bilang na 1,190, sinundan ito ng 5 Star na aabot sa 263 at pumangatlo ang boga.
Sinira ang mga ilegal na paputok sa pamamagitan ng pagbasa sa mga ito at paghukay sa lupa habang ang mga nakupiskang boga naman ay dinurog o pinitpit dito sa sa Camp Lt. Rosauro Toda Jr., sa Lungsod ng Ilagan.
Ayon kay PCol. Bauding, tinatayang aabot sa P70,000 ang kabuuang halaga ng mga sinirang ilegal na paputok.
Umaapela sa publiko na huwag magpaputok ng illegal firecrackers lalo sa araw ng pagsalubong ng bagong taon at pagpaputok ng baril para makaiwas sa ano mang aksidente.
Samantala, pinaalalahanan din ang mga IsabeliƱo na manatiling mapagmatiyag sa lahat ng pagkakataon dahil sa posibleng pananamantala ng mga kawatan at scammer ngayon holiday season. Rey Velasco