Home NATIONWIDE 27 Filipino crew ng MV Transworld Navigator na inatake ng Houthi, ligtas

27 Filipino crew ng MV Transworld Navigator na inatake ng Houthi, ligtas

MANILA, Philippines – Ligtas ang lahat ng 27 Filipino crew ng bulk carrier na inulat na binomba ng Houthi rebels sa Red Sea, ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac nitong Lunes, Hunyo 24.

Ayon kay Cacdac, ang pag-atake ay nabigong immobilize ang MV Transworld Navigator.

“Hindi siya tinamaan in a sense na na-immobilize siya,” sabi ni Cacdac at idinagdag na nakapaglayag pa ang barko at nailigtas ang 27 crew on board.

Sinabi rin ni Cacdac na ang mga Filipino crew ay irerepatriate sa oras na umabot sila sa ligtas na daungan.

“Nakaranas sila ng pag-atake, baka kailangan munang umuwi sila sa kani-kanilang pamilya,” sabi ng kalihim ng migrant workers.

Sinabi ng Yemeni Houthi group noong Sabado na ang kanilang pwersa ay inatake ang US aircraft carrier na Eisenhower sa Red Sea at ang Transworld Navigator ship sa Arabian Sea.

Sa isang pahayag ng Houthi, ang Transworld Navigator ay direktang tumama mula sa isang missile.

Ang operasyon laban sa Eisenhower ay matagumpay na nakamit ang mga layunin nito.

Nauna nang inatasan ng DMW ang mga lisensyadong manning agencies at ang kanilang mga akreditadong principal o employer na isaalang-alang ang pag-iwas sa pagdaan sa Red Sea at Gulf of Aden, at mga kalapit na teritoryo.

Dapat ding bigyan ng sapat na oras, pagkakataon, at paraan ang mga marino upang ipahiwatig ang kanilang layunin na magpatuloy sa paglalayag o tumanggi na sumali sa barko sa nakatakdang pagdaan nito sa mga lugar na ito, ayon sa DMW.

Samantala, nananatiling missing pa rin ang Filipino seafarer ng MV Tutor na binomba rin ng Houthi rebels.

Nailigtas naman ang 21 iba pang crew ng nasabing barko. Jocelyn Tabangcura-Domenden