MANILA, Philippines – Bilang paggunita sa Araw ng Filipino Seafarer, mag-aalok ng libreng sakay sa mga seaman sa Martes, Hunyo 25 ang ilang train systems.
Ayon sa Maritime Industry Authority (Marina), ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ay mag-aalok ng libreng sakay sa mga seafarer mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang 7 ng gabi.
Ang Manila Metro Rail Transit System Line 3 (MRT-3) ay magbibigay din ng libreng sakay mula 5:30 ng umaga hanggang sa matapos ang operating hours.
“Pinapaalalahan po ang lahat ng marino na ipakita lamang ang inyong valid na Seafarer’s Record Book, Seafarer’s Identity Document, o kaya’y Seafarer’s Identification Booklet para makapag-avail ng libreng sakay,” sabi ng Marina. Jocelyn Tabangcura-Domenden