Home ENTERTAINMENT Charlie, may pic na karga ang anak ni Carlo?

Charlie, may pic na karga ang anak ni Carlo?

Manila, Philippines – Nalintriga ang mga netizens sa group photo showing the newlyweds Charlie Dizon and Carlo Aquino.

Medyo nakatalikod kasi ito.

Netizens took the opportunity to feast on the intriguing photo.

Ang eye-catching doon ay ang karga-kargang bata ni Charlie.

Nagmistulang guessing game nga kung sino ang batang ‘yon na kalong ng aktres.

Duda ng mga ito, finally raw ay naipakilala ni Carlo sa kanyang legal wife si Mithi, his child with Trina Candaza.

Welcome news naman ‘yon para sa mga netizens, after all, tanggap na naman daw ni Trina ang lahat.

It’s the netizens’ wish that Charlie makes a good stepmom, na hindi na raw nakapagtataka dahil mukha naman itong mabait.

Umani ‘yon ng pagsang-ayon hanggang humaba na nang humaba ang mga comments to think na litrato lang ‘yon.

Pero parang binuhusn ng malamig na tubig ang mga umaasang netizens until may nag-post ng:

“That’s not Mithi in the picture…the one in photo is too big!” Ronnie Carrasco III