Home ENTERTAINMENT Tom, magiging tatay na?ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Tom, magiging tatay na?June 24, 2024 16:24 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Patuloy na pinag-uusapan sa showbiz ang blind item tungkol sa isang aktor na nakatakda nang maging isang ama.Ang tsika, nakaiskedyul bumalik ng Amerika ang aktor dahil malapit nang manganak ang kanyang non-showbiz girlfriend.Boy daw ang gender ng baby.Finally, natukoy ng mga Marites kung sino ang expectant showbiz dad na ‘yon: si Tom Rodriguez.Balitang excited na nga ang aktor na personal na saksihan ang panganganak ng nobya.Even his US-based friends are reportedly excited for Tom.Matatandaang sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda, nag-beg off si Tom na ibahagi ang kanyang lovelife.Inamin niyang magiging “maramot” daw siya for not sharing his private life.Umiiwas na rin daw kasi si Tom na maintriga ang kanyang pribadong buhay.Hindi naman daw magtatagal sa US si Tom as he has to fly back para sa ilang natanguang showbiz commitments.Balitang inagad nga ang picrorial nila ni Rhian Ramos with JC de Vera kahit late this year pa ang showing ng kanilang pelikula.Matatandaang Tom came back early this year after a long stay in the US.This was months after nakumpirmang hiwalay na sila ng asawang si Carla Abellana.Congrats, Tom! Ronnoe Carrasco III