Home NATIONWIDE 27,500 tauhan ng BFP, ipakakalat sa Undas 2025

27,500 tauhan ng BFP, ipakakalat sa Undas 2025

359
0
(Image Representation Only)

MANILA, Philippines – Magpapakalat ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng mahigit 27,500 tauhan sa buong bansa sa ilalim ng “Oplan Kaluluwa para sa Undas 2025,” ayon kay tagapagsalita Supt. Bonifacio Carta nitong Martes.

Naka-blue alert na ang mga tanggapan ng BFP mula Okt. 20 at itataas sa red alert mula Okt. 30 hanggang Nob. 2 dahil sa inaasahang dagsa ng mga bumibisita sa mga sementeryo at terminal.

Ayon kay Carta, magtatalaga ng first aid teams, firetrucks, at ambulansya sa mga piling lugar katuwang ng mga LGU. Inatasan na rin ni BFP Director Jesus Fernandez ang lahat ng rehiyon na maging handa sa anumang emerhensiya.

Pinaalalahanan ng BFP ang publiko na sundin ang mga payo sa fire safety, i-unplug ang mga appliances, at patayin ang main breaker bago umalis ng bahay. Binanggit din ni Carta na malaking tulong ang “Unified 911 Hotline” sa mabilis na pagtugon ng mga emergency responder. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here