Home NATIONWIDE DOTr nadismaya sa kalagayan ng Batangas City Grand Terminal

DOTr nadismaya sa kalagayan ng Batangas City Grand Terminal

311
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Department of Transportation (DOTr) Acting Secretary Giovanni Lopez ang pagkadismaya sa kondisyon ng Batangas City Grand Terminal matapos ang kanyang inspeksyon nitong Lunes bago ang Undas rush.

Binatikos ni Lopez ang mainit at hindi komportableng waiting area, kakulangan ng electric fans, at kakapusan ng upuan para sa mga senior citizens at PWDs.

“For the convenience of the people, tigas pa ng upuan, wala pa akong nakitang upuan for the senior citizen, ang init po,” ayon kay Lopez.

Ayon naman kay Terminal Manager Christy Villamor, agad nilang aayusin ang problema at maglalagay muna ng mga electric fan habang pinag-uusapan pa ang air-conditioning.

Tinatayang 18,000 hanggang 20,000 pasahero ang dadaan sa terminal ngayong Undas. Sinabi ni Lopez na babalik ang DOTr upang tiyakin na natugunan ang mga problema. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here