Home METRO 28 barangay sa Cebu City isinailalim sa state of calamity sa El...

28 barangay sa Cebu City isinailalim sa state of calamity sa El Niño

CEBU CITY- Nasa state of calamity ang 28 barangay sa lungsod na ito dulot ng matinding init ng panahon o El Niño.

Idineklara ni Cebu City Mayor Michael Rama ang state of water crisis sa lungsod dahil sa epekto ng El Niño phenomenon kung saan apektado ang 28 barangay na natuyuan na ang mga sapa maging mga pananim, at pagbitak ng lupa.

Sa pahayag ni Rama nitong Lunes, inatasan niya ang City Disaster Risk Reduction and Management Office sa pamumuno ni Harold Alcontin na magpatawag ng emergency meeting kasama ang mga itinalagang Metropolitan Cebu Water District (MCWD) board of directors sa pangunguna ni chairman Melquiades Feliciano, dating environment secretary at Task Force Gubat sa Baha, chairman Roy Cimatu, mga konsehal para resolbahin ang pagbibigay ng suplay ng tubig sa mga residenteng apektado ng El Niño.

Sinabi ng alkalde na pinaghandaan na nila ang El Niño simula noong Marso 2023 at tiniyak nilang may sapat na mapagkukunan ng tubig.

Kabilang sa mga barangay na apektado ng El Niño ay ang Victoria Candule at sa bulubunduking bahagi ng Bonbon, Sinsin at Cambinocot.

Ayon sa lokal na pinaplano nitong gamitin ang P96 milyon sa P600 milyon nitong quick response funds para matugunan ang nasabing problema. Mary Anne Sapico

Previous articlePagpapalawak ng MC taxi tablado kay Sen. Poe
Next articleSarah, spotted sa HK, may kasamang afam!