Home ENTERTAINMENT Sarah, spotted sa HK, may kasamang afam!

Sarah, spotted sa HK, may kasamang afam!

Hongkong – Hongkong is such a common destination where discoveries can be endless.

Paborito rin kasi itong puntahan ng mga celebrity.

Dahil marami tayong mga kababayan doon–lalo na mga OFW–napakadali lang makakalap ng mga balita involving local stars spotted there.

Puwedeng sa mall gumagala o kumakain sa resto or simply down the streets in Hongkong on a leisurely stroll.

Tulad na lang ng ipinarating ng isang HK-based source na may hatid na balita kay Ogie Diaz.

Bale ba, suki pala ng programa nina Ogie na Showbiz Update ang source na ‘yon.

By accident kasi at a restaurant in HK ay naispatan ng source si Sarah Lahbati.

Sarah was not with her two kids by Richard Gutierrez but was in the company of a foreigner.

Hindi malinaw sa kuwento kung ano ang nationality ng foreigner.

Pero base sa litratong ipinadala ng source kay Ogie ay mukhang Caucasian ito.

Ayaw pangunahan ni Ogie si Sarah sa kung sino ang foreigner na ‘yon sa buhay ng aktres.

Pero may nakapagsabing at one point daw ay natapunan ng something ang foreigner sa suot nito, na nakitang pinunasan ni Sarah.

Could that foreigner be Sarah’s suitor?

Ayon kina Ogie, if ever daw na manliligaw man ‘yon ni Sarah ay walang masama.

After all, naisapubliko na rin ni Sarah na hiwalay na sila ni Richard, the reason of which ay hindi pa malinaw hanggang ngayon.

Pero umaasa sina Ogie na isa sa mga araw na ito ay magpapaliwanag si Sarah tungkol sa ipinadalang litrato sa kanila. Ronnie Carrasco III

Previous article28 barangay sa Cebu City isinailalim sa state of calamity sa El Niño
Next articleKelot nalambat sa annulment scam