Home NATIONWIDE 28 delikadong paputok inilabas ng PNP

28 delikadong paputok inilabas ng PNP

336
0

Bulacan – Para sa kaligtasan ng publiko ay maagang inilabas ng pulisya ang mga pangalan ng paputok na sadyang delikado gamitin lalo sa pagsalubong ng bagong taon.

Sa ulat ng San Jose Del Monte police station nitong Nobyembre 1, naitala ang 28 list of prohibited firecrackers at iba pang pyrotechnic devices.

Pinangunahan ito ng watusi, piccolo, poppop, five star, pla-pla, lolo thunder, giant bawang, giant whistle bomb, atomic bomb, atomic triangle, large-size judas belt, goodblye delima, hello columbia, goodbye napoles, super yolanda, mother rockets, kwiton, super lolo, goodbye bading, goodbye philippines, bin laden, coke-in-can, pillbox, kabasi, special, kingkong, tuna at goodbye chismosa.

Sinasabing sadyang delikado ang paggamit ng mga paputok na ito at maaring ikasugat at ikamatay ng isang indibiduwal na masabugan nito.

Kaugnay nito, tuloy-tuloy ang operasyon ng pulisya sa iligal na pagawaan ng paputok na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang alyas Raul, 44 ng Brgy. Pulong Buhangin, Santa Maria nitong Oktubre 31 ng hapon.

Kumpiskado ang kalahating kahon, isang palangganang halos puno ng mga hindi pa tapos na kwitis, 1,500 piraso ng na nagkakahalagang P5,500 suspek na nahaharap sa kaukulang kaso habang nasa kostudiya ng istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here