Home NATIONWIDE 28 establisyimento sa paligid ng Mt. Apo ikinandado

28 establisyimento sa paligid ng Mt. Apo ikinandado

MANILA, Philippines – Nag-isyu ng cease and desist orders ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) laban sa 28 establisyimento sa Mt. Apo.

Ayon kay Senador Cynthia Villar, budget sponsor ng DENR, sa budget hearing ng ahensya, sinabi nito na nag-isyu ng show-cause orders sa 76 establisyimento noong Abril.

“They issued cease and desist orders, all are confirmed close, endorsed to NBI for case buildup and the next step is case build-up, filing of cases in position of penalties. They are all coordinating with the LGU,” ani Villar.

“They have regular monitoring and they will submit you the report,” dagdag pa.

Sa kabila nito, sinabi ni Senador Raffy Tulfo, nakapagpabook pa ng reservation ang kampo nito sa tatlong establisyimento na wala sa buffer o neutral zone ng Mt. Apo.

Ani Villar, ang tatlong establisyimentong tinutukoy ni Tulfo ay wala sa listahan ng mga establisyimentong inisyuhan ng cease and desist orders ng DENR.

“Wala sa listahan nila. So they’re legal. They are legal because they have PAMB clearance and ECC,” sinabi ni Villar.

“Nandoon sila sa multiple use zones, yung tatlo na yun. But they have the list of 28 na may cease and desist order,” dagdag pa niya. RNT/JGC