MANILA, Philippines – Higit 30,000 Filipino workers ang apektado sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagbawal ang lahat ng Philippine offshore gaming operators (POGOS) sa bansa, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa House committee on games and amusement hearing nitong Martes, Nobyembre 19 nalaman ng mga mambabatas na naprofile na ng DOLE ang 30,567 manggagawa na maapektuhan ng POGO ban.
Sinabi ni DOLE representative John Enrico Abiad na ang bilang ng maapektuhang manggagawang Filipino sa pagbabawal ng POGO ay aabot sa 27,790; ito ay para sa direct Filipino workers. Para sa indirect Filipino workers ay nakapag-profile na ng 2,777.
Sinabi naman ni Pagcor chief Alejandro Tengco na inatasan ang DOLE na tulungan ang mga apektadong manggagawa na makahanap ng bagong trabaho bago ang 2025.
Sinabi ng DOLE na mayroon itong employment facilitation program na makakatulong sa mga apektadong manggagawa sa pamamagitan ng public employment services office. Jocelyn Tabangcura-Domenden