Home METRO 28 sakay ng nagka-aberyang motorbanca, nailigtas ng PCG

28 sakay ng nagka-aberyang motorbanca, nailigtas ng PCG

3
0

SARANGANI, Philippines – Nagsagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 28 sakay ng motorized banca sa karagtaan sakop ng Barangay Gunasa, Glan, Sarangani.

Sa ulat ng Coast Guard Station Eastern Sarangani,tumawag ang isang pasaherong sakay ng bangka na nakaroon ng problema sa makina.

Nasa 300 metro ang layo ng bangka mula sa dalampasigan na agad nirespondehan ng mga awtoridad.

Galing General Santos City ang motorbanca patungo sanang Balut Island nang masira ang propeller shaft nito.

Ligtas namang nadala sa baybayin ang mga sakay ng nasirang bangka. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here