Home NATIONWIDE Simulation activities ng automated election system para sa BPE, isasagawa ng Comelec

Simulation activities ng automated election system para sa BPE, isasagawa ng Comelec

1
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang magsagawa ng simulation activities ang Commission on Elections (Comelec) sa Hunyo 27 para sa automated election system (AES) na gagamitin para sa Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE). 

Gaganapin ang simulation activity sa Sabado sa dalawang lugar sa rehiyon, ayon kay Comelec chairman George Garcia kung saan susuriin ang voting machines at transmission devices sa Tawi-tawi at Maguindanao del Norte.

Ang mga aktwal na botante ay bumoto habang ang mga miyembro ng Electoral Board ay mangangasiwa sa paggamit ng mga makina ng pagboto sa panahon ng aktibidad ng Sabado. 

“Susubukan din natin ang pagpapadala ng resulta ng halalan mula sa mga presinto hanggang sa mga server ng Comelec,” dagdag ni Garcia.

 Samantala, magsisimula na sa susunod na buwan ang pag-imprenta ng mga opisyal na balota ng BPE sa National Printing Office sa Quezon City. 

Ayon kay Garcia magpi-print ng mga opisyal na balota sa unang linggo ng Hulyo  pagkatapos  mismo ng aktibidad ng simulation.

Dagdag pa ni Garcia, bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa botohan sa Setyembre 14, nagsimula na silang mag-imprenta ng iba pang mga election form. 

Ito ayon pa kay Garcia ay  ang mga computerized voters’ list sa araw ng halalan, voters information sheet, training ballots at naka-post na computerized voters’ list. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here