Home METRO 285 transport personnel isinailalim sa on-the-spot drug test

285 transport personnel isinailalim sa on-the-spot drug test

MANILA, Philippines – Bilang paghahanda sa Semana Santa, inilunsad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 12, katuwang ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) Region 12, ang “Oplan Harabas” noong Abril 15, 2025.

Isinagawa ito sa tatlong pangunahing terminal sa Koronadal at General Santos City.

Umabot sa 285 transport personnel ang sumailalim sa on-the-spot drug testing, at lahat ay nag-negatibo.

Nagsagawa rin ng inspection ang K9 units sa mga bus at terminal ngunit walang nakitang kontrabando.

Namahagi rin ng IEC materials upang itaas ang kamalayan sa panganib ng droga.

Layunin ng operasyon ang ligtas at drug-free na biyahe ngayong Semana Santa. RNT