Home METRO 29-anyos na bebot at 1 pa huli sa carnapping sa Malabon

29-anyos na bebot at 1 pa huli sa carnapping sa Malabon

2
0

MANILA, Philippines – SWAK sa kulungan ang dalawang wanted sa carnapping kabilang ang 29-anyos na bebot ang naaresto ng pulisya sa manhunt operation sa Malabon City.

Sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ni ng Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili ang operation laban sa dalawang akusado na kapwa residente ng Brgy., 18, Caloocan City.

Nasukol ng mga operatiba ng District Anti-Carnapping Unit (DACU-NPD) ang lalaki na edad 32, welder, sa Brgy., Longos, habang sa Barangay Tañong, kapwa ng Malabon City nakorner ang babaeng akusado.

Hindi na nakapalag ang dalawa nang arestuhin ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 36, Manila para sa kasong New Anti-Carnapping Act of 2016 (RA 10883) na may inirekomendang piyansa na tig P300,000 bawat isa.

Pansamantalang nakapiit ang mga akusado sa Custodial Facility Unit ng NPD-DACU habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here