Manila, Philippines – Lalong lumaki ang tsansa na makasungkit ng upuan sa Kongreso ang partylist na #29 Batang Quiapo, batay sa pinakahuling survey na pinalabas ng Social Weather Stations.
Sa SWS survey na isinagawa sa may —- respondents noong Mayo 2 hanggang Mayo 6, 2025, nagrehistro ng impresibong numero ang Batang Quiapo na nakakuha ng 1.20 percent upang masungkit ang ika-19 na puwesto sa mga naglalabang partylist para sa May 12 elections.
Ang pag-okupa ng Batang Quiapo ng ika-19 na puwesto ay mas mataas kumpara sa mga nagdaang survey, bagama’t laging pasok sa winning circle.
“Ang magandang pagtugon ng ating mga kababayan sa Batang Quiapo ay patunay na naniniwala sila sa ating mga adbokasiya at programa na ating isinusulong partikular sa ating mga vendor at lahat ng uri ng manininda,” ayon kay Zofia Canlas, isa sa mga nominado ng Batang Quiapo.
Sinabi pa ni Canlas na ang pagsirit ng Batang Quiapo sa ika-19 na puwesto ay magsisilbing inspirasyon upang lalo nilang pag-ibayuhin ang pagnanais na maisulong ang mga programa para sa mga vendor.
Ayon pa kay Canlas, pangunahing adbokasiya ng Batang Quiapo partylist ang pagsusulong ng kapakanan at karapatan ng mga market vendor, mga sari-sari store owner gayundin ang mga online at street seller.
Aniya, nais ng kanilang grupo na mabigyan ng sapat na benepisyo ang micro-entrepreneurs tulad ng paglalaan ng express lanes at pagpapababa ng binabayaran sa pagkuha ng mga permit sa pagnenegosyo at iba pang requirements.
Idinagdag pa ni Canlas, na isa ring online seller at marketing expert, na magsusulong din sila ng mga batas hinggil sa “paluwagan” at “loan-puhunan” upang mabigyan ng mas maraming oportunidad ang maliliit na nais magkaroon ng sariling negosyo.
“It serves as a bridge financing that can be used to expand small businesses,” paliwanag pa nito. “Paluwagan also promotes financial cooperation and discipline among members, helping them achieve their financial goals,” dagdag pa ni Canlas.
Ang pinakahuling survey ng SWS bago ang eleksyon sa Lunes ay kinomisyon ng Stratbase sa pamamaghitan ng face-to-face interviews sa 1,800 registered voters sa iba’t ibang panig ng bansa.
Maliban kay Canlas, nominado rin sa #29 Batang Quiapo sina Atty. Ruskin Prinsipe at Vilma Macasaet Arce, isang external relations practitioner at anak ng dating public market vendor.
Ang naturang survey ay may margin of error na plus minus 2.31 percent. RNT