Home ENTERTAINMENT Gelli, na-touch sa pabertdey ni Quentin!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Gelli, na-touch sa pabertdey ni Quentin!May 9, 2025 16:15 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- Matalik nang magkaibigan ay magkumare pa sina Gelli de Belen at Candy Pangilinan.Inaanak kasi ng 51 anyos na aktres si Quentin, anak ni Candy.Nitong May ay magdiriwang ng kanyang kaarawan si Gelli at may regalo siya mula kay Quentin.Tulad ng alam ng lahat, Quentin is a special yet bright kid who was diagnosed with autism.“This has to be the sweetest boy!” pagmamalaki ni Gelli.Na-touch ang aktres nang dalhin nito bilang pambayad sa kanilang kinain sa isang sikat na pizza house ang kanyang kulay asul na piggy bank.Favorite daw kasi ni Quenrin ang Hawaiian pizza.Makikitang nasa lisang mesa ang magkapatid na Janice at Gelli across Candy and Quentin.Bukod sa pizza treat, nakatanggap din ng Cadbury chocolate si Gelli from her inaanak na kinuha pa nito sa kanilang refrigerator.Sinamahan pa ito ni Quentin ng rosary mula sa kanyang Lola Nini.Super close nga ang magkumare.Candy is a solo parent who has ably raised Quentin sa kabila ng special needs nito.Inspirasyon nga si Candy lalo na sa mga kapwa ina whose children are in the same situation as Quentin. Ronnie Carrasco III