Home HOME BANNER STORY 29 parak na sangkot sa palpak na high profile case ipinaaaresto

29 parak na sangkot sa palpak na high profile case ipinaaaresto

MANILA, Philippines- Ipinaaaresto na sa mga law enforcement agencies ang 29 sa 30 pulis na isinasangkot sa umano’y “planting of evidence” at mishandling ng isang high-profile case kaugnay ng pagkakasamsam ng mahigit 900 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon sa Tondo, Maynila noong Oktubre 2022.

Naglabas ng warrant of arrest si Judge Gwyn Calina ng Metro Manila Regional Trial Court Branch 44 laban sa mga nasabing pulis para sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Matatandaang mula sa 30 kinasuhan, dalawa na ang retirado dahil sa edad, isa ang nagbitiw na sa pwesto, at tatlo ang piniling magretiro na lang; dalawa naman ang na-dismiss na sa serbisyo; habang 22 pa ang aktibo pa sa hanay ng PNP.

Kabilang sa mga ipinaaaresto ng korte ay sina PLt.Gen. Benjamin D. Santos Jr., PBGen. Narciso D. Domingo, PCol. Julian T. Olonan, PLt.Col. Dhefry A. Punzalan, PLt. Jonathan G. Sosongco, PMSG Carlos C. Bayeta, Pat. Hustin Peter A. Guiar, Pat. Rommer I. Bugarin, Pat. Hassan O. Kalaw, Pat. Dennis L. Carolino, PCpl. Joshua Ivan Baltazar, Pat., Nathaniel Gomez, PLt. Ashrap T. Amerol, PSMS Jerrywin H. Rebosora, PSMS Marian E. Mananghaya, PMSG Lorenzo S. Catarata, PSSG Arnold D. Tibay PCol. Arnulfo G. Ibanez, PLt.Col Glenn Gonzalez, PMaj. Michael Angelo C. Salmingo, PLt. Randolph A. Pinon, Pat. Mario M. Atchuela, Pat. Windel C. De Ramos, PLt. Silverio P. Bulleser II, PCMS Emmanuele E. Docena, PMSG Alejandro F. Flores, PCpl. Jhan Roland L. Gelacio, Pat. James G. Osalvo at Pat. Darius R. Camacho.

Itinakda ang piyansa sa ₱200,000 sa bawat respondent.

Inatasan ng judge ang mga law enforcers na magsuot ng isang body-worn camera at alternative recording devices upang mairekord ang gagawing pag-aresto salig sa Rules on the Use of Body-Worn Cameras in the Execution of Warrants. Teresa Tavares