Manila, Philippines- Natatandaan n’yo pa ba when Carla Abellana took offense at her father Rey “PJ’s” admission she and husband Tom Rodriguez were going through some rough patch in their marriage?
Na ikinainis lalo ng Kapuso actress ang rebelasyon ng ama na inamin daw sa kanya ni Tom na he had a one-night stand with another girl?
Malinaw ang punto ni Carla: huwag siyang pangunahan.
Kaso, “bida-bida” ang fadir. Hayun, naapektuhan ang kanilang father-daughter relationship.
Halos ganito rin ang iniiwasang mangyari ni Sylvia Sanchez in the wake of unconfirmed reports na buntis daw si Maine Mendoza sa asawang si Arjo Atayde.
Dahil marami siyang close showbiz reporter friends, hindi maiwasang buligligin si Sylvia ng pangungulit ng mga ito.
Simpleng oo o hindi lang ang gustong marinig mula kay Ibyang if Maine is preggy.
Gusto man daw paunlakan ni Ibyang ang press ay panay ang nguso niya sa anak.
Aniya, she’s not in a better position to answer the press’ inquiry.
Hangga’t maaari raw ay ayaw maparatangan ni Sylvia na umeepal when it comes to her kids’ personal lives.
Paglilinaw ng aktres, bilang magulang ay hindi niya saklaw ang desisyon ng kanyang mga anak.
“Narito lang kami ni Art to guide them, pero para pangunahan sila, hindi ‘yon mangyayari,” aniya.
Kung hihingan daw silang mga magulang ng payo, she and Art are more than willing to give it.
Pero ang manggaling daw sa kanila ang gesture ay dumidistansya sila hangga’t maaari.
“Siguro dahil may tiwala ako sa kanila, na hindi sila gagawa ng mga bagay na maipipintas sa kanila. Sa amin din kasi ni Art magre-reflect ‘yon!” pagdidiin ni Ibyang. Ronnie Carrasco III