Home HOME BANNER STORY 290K biyahero namonitor sa mga pantalan ngayong Undas

290K biyahero namonitor sa mga pantalan ngayong Undas

MANILA, Philippines – Dumagsa sa mga pantalan at mga terminal ng bus ang mga pasahero ngayong umaga ng Biyernes, Nobyembre 1 para samantalahin ang long weekend dala ng Undas.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nasa 149,300 outbound at 141,036 inbound passengers ang kanilang namonitor sa lahat ng pantalan.

Sinabi ni Jenneliza Rebong, Philippine Ports Authority acting port manager para sa National Capital Region – North, mayroong mahigit 1,000 pasahero ang nagbook ng kani-kanilang mga biyahe ngayong araw, o mas mataas ng 386 kumpara kahapon, Oktubre 31.

Ang mga biyaheng ito ay patungong Bacolod, Puerto Princesa, Zamboanga, at iba pa.

Samantala, light to moderate traffic lamang ang naitala sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (NLEX) ngayong umaga ng Biyernes. RNT/JGC