MANILA, Philippines – Tumangging magkomento si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na huhukayin nito ang bangkay ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan Ng Mga Bayani kung hindi pa rin titigil ang mga pag-atake laban sa kanya.
“I’d rather not,” sinabi ni Marcos nang hingan ng komento.
Nang tanungin naman kung umabot na sa punto na wala nang balikan ang relasyon nila ni Duterte, sinabi nito na ”Let’s talk about it some other time.”
Kamakailan ay sinabi ni Duterte na sinabihan umano niya si Senador Imee Marcos na huhukayin nito ang bangkay ng dating Pangulo at itatapon sa West Philippine Sea (WPS) kung hindi pa rin titigil ang mga pag-atake laban sa kanya. RNT/JGC