Home NATIONWIDE Cargo vessel na nawala sa kasagsagan ng bagyong Kristine ‘di pa rin...

Cargo vessel na nawala sa kasagsagan ng bagyong Kristine ‘di pa rin makontak – PCG

145
0

MANILA, Philippines – Posibleng nakadaong naman ang cargo vessel MV Sta Monica AI na hindi pa rin makontak ng Philippine Coast Guard (PCG) mula nang manalasa ang bagyong Kristine.

Ang MV Sta. Monica ay patungo sa Palawan at nawala malapit sa Occidental Mindoro noong Oktubre 27 sakay ng 10 crewmen at cargo na mahigit 100 water buffalos.

“Hindi pa rin winawala ‘yung possibility na naka-pag shelter ito. Sa kasalukuyan, hindi ito maka-contact ng shipping company… Baka nasira ‘yung kanilang communication,” pahayag ni PCG spokesman commodore Algier Ricafrente.

Ani Ricafrente, nagpapatuloy pa rin ang paghahanap hanggang sa ngayon.

“So far, wala tayong nakikitang mga katawan na lumulutang… Tuloy-tuloy ang ating paghahanap,” sinabi pa ng opisyal.

Hindi naman nakatanggap ang PCG ng distress call mula sa barko nang mawala ito.

“Sa panig ng PCG walang natanggap na distress call ng barko na ito.”

“Ang intention ng vessel kaya pinayagan itong maglayag is to take shelter habang hindi pa sinasalanta ng bagyo ang area kung saan siya nanggaling… Ang information sa atin, nakapag-decide yung kapitan na instead of sailing dun sa port ay mag-take shelter sila dahil nakikita nila na mas safe sila,” ani Ricafrente.

“Nagkasundo ang Kapitan at PCG na maaari silang mahagip ng sama ng panahon kaya nag-take shelter sila. Yun talaga ang ginagawa,” dagdag pa nito.

Ayon sa ulat, ang MV Sta. Monica-A1, na pag-aari ng Synergy Sea Venture Inc., ay umalis sa Sta. Cruz Port, Taytay, Palawan, at patungo sa Casia nang maghanap ng madadaungan dahil sa masamang panahon.

Sa naunang report, sinabi ng PCG Southern Tagalog ang ulat na may mga nakita umano ang ilang mangingisda ng mga bangkay, patay na hayop at iba pang gamit na nagpapalutang-lutang malapit sa Paluan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here