Home NATIONWIDE Halos 1.5K indibidwal tinulungan ng PRC sa Undas Ops 2024

Halos 1.5K indibidwal tinulungan ng PRC sa Undas Ops 2024

184
0

MANILA, Philippines – Halos 1,500 indibidwal na ang natugunan ng Philippine Red Cross (PRC) para sa Undas Operations 2024.

Ayon sa PRC, ang nasabing bilang ay naitala mula Oktubre 30 hanggang alas-10:00 ng umaga ng Nobyembre 1.

Kabilang sa mga nabigyan ng atensyon medikal ng PRC ay ang kabuuang 1,362 na kinuhanan ng blood pressure, may mga minor cases tulad ng laceration, abrasion, pasa, 1st degree burn, hyperventilation, heat exhaustion, pangangati ng balat, pagtaas ng BP, at sprain.

Mayroon ding apat na major cases tulad ng pagsusuka, nahirapan sa paghinga, pamamaga ng noo.

Ang PRC ay nagdeploy sa mga sementeryo ng 320 first aid stations, 159 na welfare desk, 60 ambulance, 2,297 na volunteers first aiders, 104 foot patrol unit volunteers at 57 mobile unit.

Ito ay ayon sa Philippine Red Cross Safety Services UNDAS Operation MONITORING 2024. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here