Home NATIONWIDE 2M nagparehistro sa BSKE 2026

2M nagparehistro sa BSKE 2026

177
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa mahigit dalawang milyon ang kabuuang bilang ng mga naproseso ng Commission on Elections na mga aplikasyon para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) 2026.

Sa datos na ibinahagi ni Comelec Chairman Erwin George Garcia, nasa 2,135,181 na ang naprosesong aplikasyon.

Sa nasabing bilang, 1,014,069 ang lalaki habang 1,121,112 naman ang babae.

Nanguna sa may pinakamaraming aplikante o nagparehistro ang Region IV-A na mayroong 387,076; Region III na may 252,067 at sinundan ng National Capital Region (NCR) na nasa 229,634.

Mayroon namang 120,162 sa Region VII habang sa Region V ay nakapagtala ng 117,812 registered voters.

Ayon kay Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, ang datos ay nakolekta noong Sabado Pebrero 14, 2026.

Itinakda ang BSKE 2026 sa Nobyembre 2 ng taong kasalukuyan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here