Home NATIONWIDE Mayorya ng mga Pinoy naniniwala, panunuhol karaniwang anyo ng korapsyon – OCTA

Mayorya ng mga Pinoy naniniwala, panunuhol karaniwang anyo ng korapsyon – OCTA

172
0

MANILA, Philippines – NANINIWALA ang karamihan ng mga Filipino na ang bribery o panunuhol ang “most visible form of corruption” sa bansa.

Base ito sa survey na isinagawa ng OCTA Research na bahagi ng mas malawak na pag-aaral na kinomisyon ng Office of the Ombudsman.

Ayon sa pinakabagong Tugon ng Masa survey na isinagawa noong December 2025, 73% ng adult Filipino sa iba’t ibang rehiyon at socioeconomic groups na tumugon dito.

Kasunod ng bribery, ang 66% ng mga respondents ang nagpahayag na ang iregularidad sa paggamit ng public funds ay ang “most common form of corruption” sinundan ng vote buying na may 62% at slow justice na may 54%.

Mas pinili naman ng iba pang respondents ang mga sumusunod na “most common form of corruption” na nepotism (14%), at irregularities sa public procurement (32%). Isang porsiyento naman ng mga respondents ang nagpahayag na hindi nila alam o hindi nila masabi kung ano ang “most common form of corruption.”

“The consistency of reported corruption types across regions and demographic groups suggests that corruption is not confined to specific sectors or locations, but is widely experienced or observed in everyday governance and public service interactions,” ang sinabi ng OCTA Research.

Hinggil sa panunuhol, ang itinuturing na ‘top perceived’ na ” most common form of corruption” sinabi ng OCTA Research ay ang “may reflect its visibility in routine transactions with government offices. Many Filipinos may have directly encountered or observed informal payments in frontline services, making it the most immediate and recognizable form of corruption.”

Sa Visayas at Mindanao, ang vote buying ay ang second most commonly, tinukoy ang uri ng korapsyon, sinabi ng OCTA Research na “indicating persistent concerns about electoral integrity in these areas.”

Sa kabilang dako, may 68% ng mga respondents sa Visayas ang pinili ang vote buying bilang “most common type of corruption” gayundin ang 67% ng mga respondents sa Mindanao. May 63% sa National Capital Region, at 56% sa Balance Luzon (natitirang bahagi ng Luzon sa labas ng Metro Manila).

Sinabi pa ng OCTA Research na binigyang diin ng survey results ang pangangailangan para sa pinaigting na anti-corruption efforts ng pamahalaan sa pamamagitan ng mas malakas na ‘institutional checks, mas malinaw na procedural rules, pinahusay na monitoring systems, at greater transparency.’

“Overall, the results underscore that effective anti-corruption strategies must address both institutional structures and lived public experiences, ensuring reforms are responsive to the everyday realities identified by respondents,” ayon sa OCTA Research.

Ang data na ginamit sa survey ay nakuha sa pamamagitan ng face-to-face interviews, isinagawa mula December 3 hanggang 11, 2025.

Mayroon namang 1,200 respondents may edad na 18 at pataas sa buong bansa.

Ang survey ay mayroong ±3% margin of error na may 95% confidence level, habang ang subnational na ipinagpapalagay ng margin of error ay ±6% sa kaparehong confidence level. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here