Home HOME BANNER STORY 3.14-M Pinoy, walang trabaho noong Hulyo

3.14-M Pinoy, walang trabaho noong Hulyo

3
0

MANILA, Philippines — Umakyat sa 6.0 porsiyento ang unemployment rate ng bansa noong Hulyo 2026, katumbas ng 3.14 milyong Pilipinong walang trabaho, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Mas mataas ito sa 4.9 porsiyento o 2.59 milyong unemployed noong Hunyo at 5.3 porsiyento noong Hulyo 2025. Ang 6.0 porsiyentong unemployment rate ay kapantay ng antas na huling naitala noong Hunyo 2022.

Tumaas din sa 12.9 porsiyento ang underemployment rate mula 12.1 porsiyento noong Hunyo. Katumbas ito ng 6.33 milyong employed Filipinos na naghahanap pa ng dagdag na oras ng trabaho, karagdagang trabaho o bagong trabahong may mas mahabang oras.

Gayunman, mas mababa pa rin ang July underemployment rate kumpara sa 14.8 porsiyento noong Hulyo 2025.

Umabot naman sa 52.36 milyon ang mga Pilipinong kabilang sa labor force noong Hulyo, mula 48.64 milyon sa parehong buwan noong nakaraang taon. Nasa 63.6 porsiyento ang labor force participation rate.

Sa kabila ng pagtaas ng unemployment rate, dumami sa 49.21 milyon ang may trabaho mula 46.05 milyon noong Hulyo 2025, habang bumaba sa 94.0 porsiyento ang employment rate mula 94.7 porsiyento.

Pinakamalaki pa rin ang bahagi ng services sector sa kabuuang employment, habang sinundan ito ng agriculture at industry sectors.

Ipinapakita ng datos na kasabay ng pagdami ng mga may trabaho ay mas marami ring Pilipino ang pumasok o muling naghanap ng trabaho sa labor market noong Hulyo, dahilan upang tumaas ang bilang ng mga naitalang unemployed. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here