Home NATIONWIDE 3.6K shabu, 60 gramo ng marijuana nakumpiska ng BuCor sa prison farms

3.6K shabu, 60 gramo ng marijuana nakumpiska ng BuCor sa prison farms

301
0

MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 3.648.0268 kilo ng shabu at 60.3141 gramo ng cannabis o marijuana ang nakumpiska sa iba’t ibang prisons at penal farms sa buong bansa, inanunsyo ng Bureau of Corrections nitong Lunes, Hulyo 7.

“These figures are not just numbers,” saad sa pahayag ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr.

“They represent a concerted effort to curb the flow of illegal drugs into facilities designed for rehabilitation rather than further entrenchment in criminal behavior,” dagdag pa niya.

Ayon sa BuCor, ang mga sumusunod na dami ng mga illegal na droga ay narekober sa mga sumusunod na piitan:

New Bilibid Prison – 2166.2705 gramo ng shabu at 58.6001 ng cannabis
Sablayan Prison and Penal Farm – 26.7488 gramo ng shabu
Leyte Regional Prison – 8.7621 gramo ng shabu
Davao Prison and Penal Farm – 410.2696 gramo ng shabu at 1.7140 ng marijuana
San Ramon Prison and Penal Farm – 1032.7887 gramo ng shabu.

Samantala, wala namang iniulat na nakumpiska mula sa Iwahig Prison and Penal Farm at Correctional Institution for Women.

Itinurn-over na sa Philippine Drug Enforcement Agency ang mga nakumpiskang droga para sa tamang disposisyon.

Sa kabila nito, nagbabala si Catapang na ang laban sa illegal na droga ay nananatiling isang pagsubok.

Layon ng BuCor na bawasan ang pagpasok ng mga kontrabando sa masusing screening sa mga pumapasok na bisita.

Noong Nobyembre 2024, bumili ang BuCor ng full-body scanners na kayang makapag-detect ng mga ipinagbabawal na bagay na ipinapasok ng mga bisita ng persons deprived of liberty. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here