Home METRO P20/k bigas, di ‘band-aid solution – PBBM

P20/k bigas, di ‘band-aid solution – PBBM

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang kanyang inisyatiba na magbenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo ay hindi isang ‘band-aid solution.’

Sa katunayan ayon sa Pangulo, ang ‘affordable rice’ ay magiging available sa mas maraming public markets sa lalong madaling panahon.

Sa vlog ng Pangulo, ipinalabas ng Malakanyang araw ng Linggo, sinabi ng Chief Executive na ang P20 kada kilo ng bigas, mabibili sa Kadiwa ng Pangulo outlets, ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na gawing mas accessible ang ‘affordable food’ sa vulnerable sectors.

“It also helps strengthen the agriculture sector through an enhanced and sustained collaboration between the national and local governments,” ayon sa Pangulo.

“P20 rice is here to stay. It is achievable; it is sustainable. So, watch out for it in your nearest public markets,” dagdag na wika ng Punong Ehekutibo.

Tinawag na “Benteng Bigas Meron (BBM) Na! (BBM),” ang P20 kada kilo ng bigas ay isa sa campaign promises ng Pangulo noong 2022.

Sa kasalukuyan, ang P20 per kilong bigas ay mabibili lamang ng mga senior citizen, solo parent, persons with disabilities, indigent family at minimum wage earner.

Nanawagan naman si Pangulong Marcos sa mga national at local official na maging masigasig sa serbisyo publiko.

“Tapos na po ang bahagi ng politika, serbisyo publiko na ang haharapin niyo ngayon,” ang sinabi pa ng Punong Ehekutibo.

“Marami-rami tayong pagtutulungan sa lokal at national government at malaking bahagi ang LGU ng paghahatid natin ng serbisyo sa taumbayan,” aniya. /Kris Jose