NEW YORK – Walang Pinoy ang kabilang sa mga iniulat na nasawi matapos ang baha sa Texas, sinabi ng Philippine Consulate General sa Houston.
“As of now, there are still no reports of any Filipino casualties. The Consulate remains hopeful that none will be reported in the coming days,” saad nito.
Ang konsulado ay kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa Filipino community sa Kerr County, Kerrville City, at Central Texas — mga lugar na lubhang naapektuhan ng biglaang pagbaha — upang matukoy ang kalagayan ng mga apektadong Pilipino.
“The Consulate is in direct contact with the Filipino community in Kerrville City and is aware that our kababayans living there are doing okay,” ayon sa Assistant to Nationals (ATN) sa consulate ng Houston.
“The Philippine Consulate General continues to closely monitor the developing situation and the outcomes of the search and rescue efforts in the affected areas of Central Texas, particularly in Kerr County, where the effects of the flash floods were most devastating,” dagdag pa nito.
Umabot na sa 78 ang bilang ng nasawi nitong Linggo. 68 sa mga nasawi ay mula sa Kerr County kabilang ang 28 mga bata. 10 iba pa ang namatay sa ibang lugar sa Texas at 41 ang nawawala, sinabi ni Texas Governor Greg Abbott sa isang press conference noong Linggo ng hapon.
Nakikipag-ugnayan din ang konsulado sa mga lokal na awtoridad at nangangalap ng higit pang impormasyon upang tumugon nang naaangkop kung may mga Filipino na nangangailangan ng tulong.
“The Consulate General in Houston is in contact with local authorities and members of the Filipino community in the affected areas to gather more information, and stands ready to extend necessary and appropriate support to any Filipino who may have been affected,” ayon dito.
Hinimok ng konsulado ang mga Pilipino na subaybayan ang mga emergency advisories at tumawag sa mga awtoridad kung kailangan nila ng tulong. RNT/MND