Home METRO 3 armadong kalalakihan patay sa engkwentro sa mga parak, sundalo sa S....

3 armadong kalalakihan patay sa engkwentro sa mga parak, sundalo sa S. Cotabato

168
0

 

MANILA, Philippines- Patay ang tatlong armadong kalalakihan kasunod ng sagupaan sa pinagsanib na elite Special Forces ng militar at lokal na kapulisan sa Polomolok, South Cotabato nitong Martes.

Sinabi ni Lt. Gen. William Gonzales, commander ng Western Mindanao Command, nag-ugat ang bakbakan sa ulat ng presensya ng anim na armadong kalalakihan sa Barangay Palkan noong Lunes na nagresulta sa pagpapadala ng mga tauhan ng 5th Special Forces Battalion (5SFBn) at Polomolok Municipal Police Station (MPS) sa lugar.

Sumiklab ang barilan nang paputukan ng armadong kalalakihan ang pinagsanib na pwersa ng kapulisan at militar na nagresulta sa 20-minutong engkwentro.

Ani Gonzales, narekober ang mga labi ng tatlong armadong kalalakihan kasama ang iba’t ibang baril at mga bala.

Nagsasagawa na ng follow-up operations laban sa iba pang armadong kalalakihan na nakatakas. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here