Home METRO 3 babaeng entertainer na biktima ng trafficking, iniligtas ng BI

3 babaeng entertainer na biktima ng trafficking, iniligtas ng BI

MABALACAT CITY, Pampanga—Nasagip ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) ang tatlong biktima ng trafficking na nagtangkang ilegal na magtrabaho bilang entertainer sa South Korea.

Iniulat ng mga opisyal ng immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) ng Ii na ang mga biktima, pawang babae, ay unang nagpakilala na magkakaibigan at patungo sana sa Thailand bilang mga turista noong Marso 10 kasama ang isa pang babae.

Napansin ng mga opisyal ng imigrasyon ang mga magkakaibang pahayag at ni-refer ang mga ito para sa pangalawang inspeksyon. Sa panayam, inamin ng tatlong biktima na ang kanilang kasama ay ang kanilang recruiter, at sila ay patungo sa South Korea kung saan pinangakuan sila ng trabaho bilang mang-aawit.

Ang kanilang recruiter ay nag-alok umano ng P40,000 bilang kanilang buwanang suweldo.

Ikinalungkot ng mga biktima na nais nilang iproseso nang legal ang kanilang mga dokumento, ngunit iginiit ng kanilang recruiter na magpanggap sila bilang mga turista at itago ang kanilang huling bansang destinasyon.

Ayon sa kanila, binalak sila ng kanilang recruiter na i-escort sa Korea at uuwi na lang sana sa Pilipinas.

Ang tatlong biktima at ang kanilang recruiter ay itinurn-over sa CIA inter-agency council against trafficking (IACAT). Inaasahang sasampahan ng kaso ang recruiter kasunod ng insidente. Jay Reyes

Previous article13K pares na sapatos ipinamahagi sa mga San Juan studes
Next article‘Junjun’ ni Papa P, dinakma ni Apo!