Home ENTERTAINMENT ‘Junjun’ ni Papa P, dinakma ni Apo!

‘Junjun’ ni Papa P, dinakma ni Apo!

Manila, Philippines – “Toast of social media” ngayon si Piolo Pascual.

Viral at pinag-uusapan kasi ang ginawang pagdadakma ni Apo Whang Od sa “Junjun” ng aktor nang bumisita ito sa kanya.

Si Apo Whang Od ay naninirahan sa Buscalan, isang maliit na barangay sa kabundukan ng Kalinga.

Siya ang sinasabing the oldest tattoo artist o mambabatok sa gulang na 107.

Hindi malinaw kung kailan umakyat sa Buscalan si Piolo at kung may mga kasama siyang dumalaw sa village ni Apo.

Pero nitong March 10 lang naka-post ito sa YouTube at nag-viral agad.

Gawing-gawi na ni Apo na “tsansingan” ang mga lalakeng bumibisita sa kanya.

Hindi nga niya pinalampas ang pagkakataon upon Piolo’s visit na ikinaaliw ng mga tao sa paligid.

‘Yun nga lang, may nam-bash pa rin kay Apo sa kanyang ginawa.

Minsan nang ginawang pabalat ng Time Magazine ang larawan ni Apo.

Bagama’t out of the usual magazine practice, maganda naman ang nakuhang mga feedback mula sa mga mambabasa nito.

Dahil sa pandadakma ni Apo kay Piolo, hindi maiwasang marami ang nainggit kay Apo! Ronnie Carrasco III

Previous article3 babaeng entertainer na biktima ng trafficking, iniligtas ng BI
Next articlePagpapasuri ng kalidad ng NFA rice sa independent lab sinisilip ng DA