Home NATIONWIDE Pagpapasuri ng kalidad ng NFA rice sa independent lab sinisilip ng DA

Pagpapasuri ng kalidad ng NFA rice sa independent lab sinisilip ng DA

MANILA, Philippines- Sinisilip ng Department of Agriculture (DA) ang posibilidad ng pagrekomenda ng independent laboratory upang suriin ang kalidad ng bigas mula sa National Food Authority (NFA).

Ito ay kasunod ng privilege speech ni Senator Raffy Tulfo nitong Lunes, kung saan inihyag niya na tinutukoy na “bad” ng NFA quality officer ang good rice upang maibenta sa ilang traders.

“There could be ways, for example, an independent laboratory to do the analysis at hindi na NFA para maging mas independent,” pahayag ni DA spokesperson Arnel de Mesa.

“But that will be part of future recommendations later,” patuloy niya.

Kinokonsidera rin umano ang pagbusisi sa umiiral na polisiya ng NFA, base sa opisyal.

“Ang talagang policy governing body ng NFA [ay] ang NFA Council, so guided ng mga resolutions ang mga action. So ‘yun din isang tinitignan, kung talaga bang nasunod mga patakaran na in-issue ng council noong 2019 hanggang current,” dagdag niya.

Isa umano sa mga kinokonsideraang rekomendasyon, ayon sa opisyal, ang pagtitiyak na natutugunan ang pangangailangan ng disaster response agencies.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Tulfo na sa ilalim ng umano’y, bibili ang NFA ng unmilled rice o palay saa halagang P24 kada kilo. Idinadagdag umano ang P2-per-kilo subsidy mula sa Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Units (PALLGU) sa buying price ng NFA.

Wika ni Tulfo, hahanap naman ang NFA Office of the Administrator ng stocks na maibebenta nila. Inuutusan umano angsales officers na tukuyin ang stocks at atasan ang quality assurance officer na mag-isyu ng laboratory analysis report upang ideklara ang satisfactory stocks na wala na sa maayos na kondisyon.

Patuloy niya, inuutusan din umano ng ranking NFA officials ang NFA sales officers na makipagtransaskyson sa private millers. RNT/SA