Home HOME BANNER STORY 3 barko ng Tsina namataan sa baybayin ng Pinas

3 barko ng Tsina namataan sa baybayin ng Pinas

MANILA, Philippines- Tatlong Chinese research vessel ang namataan sa baybayin ng mga lalawigan sa Luzon at Mindanao, dalawang beses na pumasok sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa at dumating sa karagatan ng world-class surfing paradise ng Siargao, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela na unang na-monitor ng Coast Guard ang tatlong barko sa layong 257 nautical miles hilagang-silangan ng Santa Ana, Cagayan noong Nobyembre 17, 2024.

Sinabi ni Tarriela na dalawang beses na naobserbahan ang mga sasakyang pandagat sa loob ng 200 nautical mile EEZ ng bansa—una malapit sa Davao Oriental noong Nobyembre 14, at muli sa labas ng Siargao Island noong Nobyembre 20.

Nitong Nobyembre 30 ng umaga, sinabi ni Tarriela na nakita ang mga barko “na may layong 210 nautical miles sa silangan ng Siargao Island sa Surigao del Norte.”

Ang tatlong Chinese research vessels ay Xiang Yang Hong 3, Jia Geng, at Xiang Yang Hong 10.

Ayon sa opisyal ng PCG, simula nang pumasok ang mga sasakyang pandagat sa EEZ ng Pilipinas, dapat ay humingi na sila ng clearance sa Department of Foreign Affairs (DFA). Jocelyn Tabangcura-Domenden