Home NATIONWIDE PH target mag-develop ng seed production centers sa mga komunidad, unibersidad

PH target mag-develop ng seed production centers sa mga komunidad, unibersidad

MANILA, Philippines- Magde-develop ang Pilipinas ng seed production facilities sa mga komunidad at universidad para gawing mahusay ang food production ng bansa.

Sa isang ceremonial turnover ng Korea Partnership for Innovation of Agriculture (KOPIA) Greenhouses and Postharvest Facilities sa Quezon, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Biyernes na maisasaayos ng food production facility ang pangangailangan ng sektor ng agrikultura.

“Through these endeavors, no farmer, no family, no community will be left behind as we strive for a future where agriculture drives growth, nourishes our people, and sustains our nation,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Aniya pa, ang paglikha food production facility ay pangungunahan ng Department of Agriculture (DA) sa tulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Commission on Higher Education (CHED), at iba pang state universities and colleges.

Sinabi ng Pangulo na ang pasilidad ay magbubukas ng bagong chapter sa Philippine agricultural sector bilang “one rooted in partnership, driven by innovation, and aimed at achieving food security for our nation.”

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na ang greenhouses at postharvest facilities ay makatutulong din sa mga maliliit na komunidad na gawing mahusay ang kakayahan na mag- export ng kanilang produkto.

“Through continuous collaboration, soon, they will be part of the regional value chain,” ayon sa Pangulo.

Sa kabilang dako, sinabi ni Pangulong Marcos na may 20 greenhouses ang itinatag sa iba’t ibang pilot villages sa Lucban, Quezon; Siniloan, Laguna; at Zaragoza sa Nueva Ecija.

 “These greenhouses are hubs of fresh vegetable and very importantly seedling production—complemented by three postharvest facilities, advanced machinery all designed to reduce the burden of our farmers and increase profitability,” tinuran pa ni Marcos. RNT/SA