MANILA, Philippines- Iniulat ng Commission on Elections (Comelec) na ang kanilang paghahanda para sa midterm elections at sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections (BPE) ay nagpapatuloy.
Ang paghahanda ay pinalalakas ng pagdating ng mahigit 100,000 automated counting machines nang mas maaga sa iskedyul, sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia sa press briefing sa main office ng poll body sa Intramuros, Manila nitong Biyernes.
Binanggit din ni Garcia ang pagbisita sa iba’t ibang data centers hindi tulad noong nagdaang mga halalan kung saan ang mga ito ay hindi ipinapakita at hindi accessible sa publiko dahil sa usaping seguridad.
Sinabi ni Garcia na binubuksan ng Comelec ang proseso at ipinapaalam sa publiko kung paano pinangangasiwaan ang halalan sa diwa ng ganap na transparency.
Bukod sa pag-post ng certificates of candidacy (COCs) ng lahat ng nag-aagawan para sa national at local posts sa kanilang website, www.comelec.gov.ph, sinabi ni Garcia na hinahanap din nila ang lahat ng logs sa servers at Statements of Contributions and Expenditures post-election. Jocelyn Tabangcura-Domenden