Home HOME BANNER STORY 3 bata utas sa sunog sa Mandaluyong

3 bata utas sa sunog sa Mandaluyong

1
0

MANDALUYONG CITY – Tatlong bata ang nasawi matapos sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Block 39, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City nitong Huwebes ng gabi, Setyembre 3.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), kabilang sa mga nasawi ang magkapatid na edad dalawa at apat na taong gulang na na-trap sa loob ng kuwarto sa ikaapat na palapag ng bahay.

Isang pito-anyos nilang kamag-anak ang nakalabas pa ngunit kalaunan ay binawian ng buhay sa ospital.

Bandang alas-7:30 ng gabi nang maiulat ang sunog. Agad itong naapula ng mga bumbero sa tulong ng mga residente at hindi na kumalat sa mga katabing bahay.

Tinatayang nasa P200,000 ang halaga ng pinsalang dulot ng sunog.

Patuloy pang iniimbestigahan ng BFP ang pinagmulan ng apoy.

Pinaalalahanan naman ng mga awtoridad ang mga magulang at guardian na huwag iwanang walang kasama ang maliliit na bata at tiyaking hindi nila maaabot ang mga bagay na madaling magliyab. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here