Home METRO Toxic haze, umabot na sa Cebu at NegrOr

Toxic haze, umabot na sa Cebu at NegrOr

2
0

DUMAGUETE CITY, Philippines – Pinag-iingat ng Environmental Management Bureau sa Central Visayas (EMB-7) ang publiko laban sa matagal na exposure sa haze na nakaaapekto sa Cebu at Negros Oriental.

Ayon kay EMB-7 Regional Director Jed Ang, umabot na sa “acutely unhealthy” category ang air quality index sa Cebu batay sa pinakahuling monitoring nitong Huwebes.

Bagama’t walang direktang air quality monitoring station ang EMB-7 sa Negros Oriental, ipinakita umano ng trajectory ng pollutants na kumikilos ang haze patimog-kanluran patungo sa lalawigan.

Iniugnay ng EMB-7 ang haze sa mga wildfire sa Kalimantan, Indonesia, na nakaapekto rin sa ilang bahagi ng bansa nitong mga nakaraang araw.

Partikular na ikinababahala ng ahensya ang mataas na antas ng PM2.5 o napakaliit na particulate matter na maaaring makapasok nang malalim sa respiratory system at magdulot ng panganib sa kalusugan kapag matagal ang exposure.

Pinayuhan ang publiko na iwasan ang hindi kinakailangang matagal na pananatili sa labas at magsuot ng face mask habang nananatili ang haze.

Sa Dumaguete City, nagpatuloy naman ang klase nitong Huwebes dahil wala pang inilalabas na suspension order. Pinayuhan ang mga guro at mag-aaral na magsuot ng mask at sundin ang kaukulang safety precautions.

Umaasa ang EMB-7 na makatutulong ang pag-ulan at pagbabago ng kondisyon ng panahon upang ma-dispersed ang haze sa mga apektadong lugar. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here