Home HOME BANNER STORY Inflation, bumagal sa 6.1% nitong Agosto

Inflation, bumagal sa 6.1% nitong Agosto

1
0

MANILA, Philippines – Bumagal sa 6.1 porsiyento ang inflation rate ng bansa nitong Agosto 2026 mula sa 6.2 porsiyento noong Hulyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito na ang ikaapat na sunod na buwan na bumagal ang inflation sa bansa. Umakyat naman sa 5.2 porsiyento ang average inflation mula Enero hanggang Agosto, mas mataas pa rin sa target range ng gobyerno na 2 hanggang 4 porsiyento.

Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, pangunahing dahilan ng bahagyang pagbaba ng inflation ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages, na nagtala ng 4.6 porsiyentong inflation noong Agosto.

Noong Hulyo, kabilang sa pinakamalaking contributors sa inflation ang pagkain at non-alcoholic beverages, housing, water, electricity, gas at iba pang fuels, at transportasyon.

Pasok naman ang 6.1 porsiyentong August inflation sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 5.5 hanggang 6.5 porsiyento.

Patuloy na binabantayan ng BSP ang galaw ng presyo, partikular ang epekto ng mataas na oil prices at iba pang supply-side pressures sa inflation. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here