Home NATIONWIDE 3 bumbero, 4 sibilyan sugatan sa 7 sunog sa NCR sa kasagsagan...

3 bumbero, 4 sibilyan sugatan sa 7 sunog sa NCR sa kasagsagan ng Undas

MANILA, Philippines- Sugatan ang tatlong bumbero at apat na sibilyan sa sunog sa pitong seven magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila nitong All Saints’ Day, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa ulat nitong Miyerkules, sinabi ng BFP na sugatan ang tatlo sa mga miyembro nito sa residential fire sa Calamba St., Sampaloc, Manila na umabot sa second alarm.

Apektado sa nasabing pagliyab ang 30 indibidwal habang umabot naman ang pinsala sa halagang ₱1.6 million.

Anang BFP, idineklara ang fire out pagsapit ng alas-2:21 ng hapon habang inaalam pa ang mitsa ng sunog.

Isa pang residential fire ang naganap sa Alfredo St., Santa Cruz, Manila kung saan apat na sibilyan ang nagtamo ng sugat at nakaapekto sa 10 katao.

Base sa BFP, nagsimula ang sunog ignisyon ng cooking gas mula sa may sinding kandila.

Naapula ang apoy pagsapit ng alas-6:13 ng hapon na may pinsalang umabot sa ₱1,500.

Nagkaroon din ng sunog sa mga sumusunod na lugar subalit walang naitalang sugatan:

  • Mindoro St., Sampaloc, Manila

  • 10th Avenue, Caloocan City

  • Brgy. Bagong Lipunan ng Crame, Quezon City

  • Dalag St., Dagat-dagatan, Navotas City

  • Pulang Lupa Uno, Las Piñas City. RNT/SA