Home NATIONWIDE Micro-entrepreneurs sa La Union, inayudahan ni Bong Go

Micro-entrepreneurs sa La Union, inayudahan ni Bong Go

MANILA, Philippines- Patuloy na isinusulong ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga hakbang ng pamahalaan upang makabuo ng mga karagdagang trabaho para matulungan ang mahihirap na Pilipino na makabangon mula sa iba’t ibang krisis.

Ang grupo ni Go ay nagpaabot ng tulong sa 54 micro-entrepreneurs sa Bangar municipal covered court sa Bangar, La Union noong Huwebes, Oktubre 26.

Bukod sa tulong ni Go, isang team mula sa Department of Trade and Industry (DTI) ang nagbigay ng negosyo kits sa pamamagitan ng livelihood program na nauna nang itinaguyod ni Go para matulungan ang mas maraming apektadong komunidad na makabangon mula sa mga kalamidad at iba pang krisis.

“Itong tulong pangkabuhayan, gamitin niyo po sa pagbubukas o pagpapalakas ng inyong negosyo. Palaguin niyo ang inyong negosyo at dalhin ang mga kita sa inyong pamilya. Mas masarap po sa pakiramdam kung pinaghirapan ninyo ang perang inyong kikitain,” ani Go sa kanyang video message.

Binanggit ni Go na patuloy ang gobyerno sa paglikha ng karagdagang mga oportunidad sa kabuhayan, partikular para sa mga mahihirap na sektor.

“Napakahirap ng panahon ngayon at marami pang nawalan ng trabaho pero huwag po kayong mawalan ng pag-asa dahil ginagawa po ng gobyerno ang lahat para kayo ay matulungan at makaahon muli,” ayon sa senador.

Matatandaang isa si Go sa mga may-akda at co-sponsor ng Republic Act No. 11960 o ang One Town, One Product (OTOP) Philippines Act. Ang batas ay magpapalakas sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa pagbuo ng bago, makabago, at mas kumplikadong mga produkto at serbisyo.

Kasabay nito, pinayuhan ni Go ang publiko na samantalahin ang mga programang tulong medikal na iniaalok sa Malasakit Centers, kabilang ang matatagpuan sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) sa San Fernando City, La Union.

Sa ngayon ay mayroon nang 159 operational Malasakit Centers na matagumpay na nakatulong sa mahigit pitong milyong Pilipino sa buong bansa.

Naging instrumento rin si Go sa pagpasa ng batas na nag-uutos ng pagtaas sa kapasidad ng ITRMC mula 300 hanggang 800 na kama.

Naging instrumento rin siya sa pagtutulak ng pondo ng mahigit 600 Super Health Center sa mga strategic na lokasyon sa buong bansa, kabilang ang apat sa La Union.

Sa nasabing okasyon, ipinaabot ni La Union Governor Raphaelle Ortega-David ang kanyang pasasalamat kay Go para sa patuloy na suporta ng senador sa lalawigan.

“Hi senator! Always thank you for keeping La Union in your heart. Maraming, maraming salamat po sa lahat ng programa na pinasok din n’yo ngayon. And, of course, including po ito ngayon na pinuntahan po natin personally because I wanted to show my appreciation po talaga sa pinapasok n’yo po always dito sa La Union,” anang gubernador. RNT