Home NATIONWIDE 3 Chinese na suspek sa kidnapping sinampahan na ng kaso sa DOJ

3 Chinese na suspek sa kidnapping sinampahan na ng kaso sa DOJ

1
0

MANILA, Philippines – Sinampahan na ng kasong kidnapping sa Department of Justice ang ilang Chinese national na inakusahang dumukot sa kapwa Chinese national at nag-demand ng ransom na US$1 million o P60 milyon.

Sa CCTV footage ay nakita ang mga suspek na gumamit ng puting van upang harangan ang sasakyan ng biktima bago tinutukan ng baril at sapilitang isinakay ito sa sasakyan.

Dinala ang biktima sa safehouse sa Mabalacat, Pampanga, ngunit kalaunan ay nakatakas sa mga dumukot.

Nasagip naman ito ng mga awtoridad sa Angeles City, Pampanga.

Sa ulat, nag-demand ang mga kidnapper ng US$1 million para sa pagpapalaya rito.

Ang biktima, na may mga kaanak sa Pilipinas, ay anim na araw pa lamang nasa bansa nang dukutin.

Ayon kay Police Regional Office 3 (PRO3) Regional Director Police Brigadier General Jess Mendez, malinaw ang modus operandi ng grupo at mabilis ang pagkilos ng mga suspek.

“Chinese to Chinese ang nangyari,” sinabi ni Mendez sa panayam ng GMA News.

Sa follow-up operation ay naaresto naman ng pulisya ang tatlo sa limang suspek sa Tarlac City.

Arestado rin ang isang babaeng Pinay na nag-renta umano ng puting van na ginamit sa kidnapping.

Ani Mendez, ang isa sa mga suspek ay may dati nang kaso sa China na may kaugnayan sa scam operations habang ang iba ay may kaugnayan sa iligal na droga.

Nasa kustodiya na ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group ang mga naarestong suspek at nahaharap sa reklamong kidnapping. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here