MANILA, Philippines – Tatlong Data Center na pagdadalhan ng mga boto para sa 2025 Midterm election ang ipinasilip ng Commission on Election sa mga election watchdog at media.
Nitong Martes, ipinakita ng Comelec ang Data Center sa Vitro Paranaque City ng Smart-PLDT Telecommunications kung saan daraan ang mga boto mula sa mga presinto.
Una nang ipinasilip ng Comelec ang Data Center ng Globe Telecommunications na nasa Makati City at DITO Telecommunications sa Taguig City.
Sabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na ginawa nila ito para maiwasan ang anumang pagdududa sa magiging resulta ng halalan.
Sa mga nakaraang eleksyon, hindi pinayagan ng Comelec na makita ng mga election watchdog at media ang transparency server. Jocelyn Tabangcura-Domenden