Home METRO 3 Dawlah patay sa sagupaan

3 Dawlah patay sa sagupaan

LANAO DEL NORTE- Nasawi ang tatlong miyembro ng Dawlah Islamiyah-Maute Group matapos makasagupa ang militar noong Sabado sa Lanao del Norte.

Ayon kay Brig. Gen. Yegor Rey P. Barroquillo Jr., commander 103rd Infantry Brigade, nakasagupa ng mga sundalo sa ilalim ng 1st Infantry Tabak Division ang pitong DI-MG sa pangunguna nina Nasser Daud at Abu Jihad sa Barangay Lindongan, Munai, Lanao del Norte.

Tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok na ikinasawi ng tatlo at ikinasugat ng isang sundalo.

Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang mga baril, bala, mga gamit sa kanilang komunikasyon, at personal na kagamitan.

Mabilis namang nakatakas ang apat na kasamahan ng mga namatay.

Pinuri nina Barroquillo Jr., at Major Gen. Gabriel C. Viray III, commander ng 1st Infantry Division ang tropa sa kanilang kagitingan at matagumpay na operasyon laban sa teroristang grupo.

Binigyan-diin ni Viray ang kanilang pangako para sa seguridad ng mga komunidad ng Lanao del Norte.

Patuloy naman ang ginagawa nilang pagtugis sa mga natitirang teroristang grupo para sa kapayapaan. Mary Anne Sapico